Pito ang patay habang sugatan naman ang 175 pang indibidwal matapos makaranas ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng hilagang-silangan ng Brazil.
Ayon sa mga tauhan ng Regional Civil Defense, libu-libong residente ang inilikas matapos mawasak at mawalan ng tirahan kung saan, nasa 30 Munisipalidad pa ang apektado ng baha.
Nabatid na naganap ang pagbaha dahil sa Subtropical Cyclone na nagmula sa Atlantic Ocean kung saan, nasira rin ang mga kalsada at tulay.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng operasyon ang Brazil Government upang mabigyan ng financial assistance ang mga apektadong residente partikular na ang mga nawalan ng tirahan. —sa panulat ni Angelica Doctolero