Inihayag ng Bangko Sentral Ng Pilipinas na tumaas ng 2.4 percent ang cash remittances ng mga Overseas Filipino Workers na ipinadadaan sa mga bangko noong buwan ng Oktubre.
Kumpara ito sa $2.373B noong buwan ng Setyembre na pinakamataas naman mula noong buwan ng Hulyo na may $2.85B.
Nasa $25.929B o 5.3% ang year-to-date cash remittances mula sa 24.633 billion dollars naman ang naitala sa kahalintulad na panahon noong 2020 kung saan, ang us ang may pinakamalaking share sa overall remittances sa unang 10 buwan ng taon.
Sumusunod dito ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, At South Korea na binubuo naman ng 79.0% ng total cash remittances.
Dahil dito, ang Cumulative Remittance para sa unang 10 buwan ng taon ay umabot na sa $28.816B na tumaas ng 5.4% mula sa $27.346B sa kahintulad na panahon noong nakaraang taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero