Nakatanggap ng cash incentive ang isang 101-anyos na lola sa General Trias, Cavite.
Ginawaran ng lokal na pamahalaan ng symbolic cheque si Segunda Aspuria Ordoñez na nagkakahalaga ng 100,000 pesos at Plaque of Recognition.
Marso 29, 2021 nang ipagdiwang ni Lola Segunda ang kanyang ika-101 na kaarawan.
Si Ordoñez ang ika-13 centenarian sa naturang siyudad na nakatanggap ng parangal at cash incentive.