Dalawang mangingisda mula sa Misamis Oriental ang ligtas na nakaahon matapos mapadpad sa Iligan City makaraang anudin ng malalaking alon sa dagat bunsod ng epekto ng Bagyong Odette.
Kinilala ang mga nailigtas na mga mangingisda na sina Roel Tupag at Vincent Herrera na inabutan ng malakas na hangin at matataas na alon sa dagat makaraang masira ang makina ng bangkang kanilang sinasakyan.
Sa ngayon nasa red alert status na ang buong probinsya at naka-antabay narin ang lahat ng mga opisyal alinsunod sa kautusan na inilabas ng Office Of The Civil Defense 10. —sa panulat ni Angelica Doctolero