Patuloy sa pangangalap ng mga datos at ulat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa epektong dulot ng bagyong Odette sa bansa.
Batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, pumalo sa mahigit 12 libo (12,237) pamilya o katumbas ng 45,383 indibiduwal ang inilikas sa mga rehiyon ng Eastern Visayas gayundin sa CARAGA.
Mula sa kabuuang bilang ayon sa NDRRMC, nasa mahigit 17 libong inidbiduwal ang inilikas sa Eastern Visayas habang nasaa 22,218 naman dito ang mula sa CARAGA region.
Partikular rito ang mga residente ng Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur Una nang tiniyak ng NDRRMC na nakahanda na ang mga tulong o ayudang kanilang ipamamahagi para sa lahat ng mga maapektuhan ng kalamidad dulot ng bagyo. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)