Itinaas pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 80 mula sa 60% ang kanilang payment scheme para sa hospital claims sa COVID-19 cases.
Ito, ayon kay PhilHealth Spokesperson Gigi Domingo, ay upang mapabilis ang settlement ng unpaid dues sa mga ospital.
Tinukoy ni Domingo ang Debit Credit Payment Method (DCPM) kung saan babayaran ng PhilHealth ang 80% ng hospital claims habang ang balanse ay babayaran sa sandaling makumpleto ang pag-proseso ng mga kailangan.
I-rerelease anya nila ang third wave ng payment sa ilalim ng DCPM lalo’t kailangan na ito ng mga ospital.
Tiniyak din ng PhilHealth sa mga ospital at publiko na inaayos na ang mga delay dulot ng pandemya.
Magugunitang ilang ospital na ang kumalas sa PhilHealth dahil sa hindi pagbabayad ng COVID-19 claims.