Handa na ang provincial government ng Eastern Samar sa posibleng pananalasa ng bagyong Odette.
Sa katunayan, inihayag ni Governor Ben Evardone na umabot na sa mahigit 7,000 pamilya o nasa 23,000 indibidwal ang nagsilikas, partikular sa bayan ng Guiuan.
Aminado naman si Evardone na bagaman wala na silang COVID-19 cases, may ilan pa silang problemang kinakaharap sa mga evacuation center.
Tiniyak naman ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na nakalatag na ang lahat ng preparasyon, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, partikular sa mga lugar na posibleng hagupitin o daanan ng bagyo.