Lumabas sa isang pag-aaral na nabubuhay ang COVID-19 Omicron variant sa daluyan ng hangin kumpara sa baga.
Batay sa datos ng website ng Cold Spring Harbor Laboratory na Biorxiv (Bio-Archive), nasa 70 beses na mas mabilis dumami ang Omicron sa mga daluyan ng hangin sa katawan kumpara sa Delta variant.
Ito ang nakikitang dahilan kaya mas mabilis makahawa ang naturang variant.
Ngunit mas mabagal ng 10 beses ang pagdami ng Omicron kapag ito ay nasa baga kung saan nagdudulot naman ito ng malalang sakit.