Magsasanib-pwersa na ang mga tauhan ng Armed Forces Of The Philippines (AFP) Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast GuarD (PCG) upang paghandaan ang susunod na eleksiyon.
Kasunod ito ng naganap na National Joint Peace And Security Coordinating Council Meeting sa Camp Crame sa Quezon City na dinaluhan nina AFP Chief Of Staff Lt. Gen. Andres Centino,PNP Director General Dionardo Carlos At PCG Commandant Cg Admiral Leopoldo Laroya.
Nakapaloob sa nasabing pagpupulong ang updating ng kanilang intelligence, operations, civil and community relations, legal at investigation, at ang training and education programs.
Layunin ng mga ahensya ng gobyerno na tiyakin na magiging maayos at mapayapa ang gagawing May 2022 National and Local Elections. —sa panulat ni Angelica Doctolero