Nakaranas ng power outage ang malaking bahagi ng Cebu matapos ang ika-pitong landfall ng bagyong Odette sa lalawigan.
Nasa 95% na ng franchise area ng Visayan Electric Company Incorporated (VECO) ang apektado ng power service interruption.
Kabilang sa sineserbisyuhan ng veco ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, Talisay at Naga, maging ang mga bayan ng Liloan, Consolacion, Minglanilla at San Fernando.
Tiniyak naman ng VECO na isasaayos nila ang mga naapektuhang powerlines sa sandaling gumanda na ang panahon.