Posibleng ikasa na sa Marso ang rematch nina Nonito Donaire, Jr. at Undefeated Japanese Fighter Naoya Inoue.
Ito’y matapos patunayan ng “The Filipino Flash” na sa edad niyang 39 ay kaya pa ring makipagsabayan ng kanyang lakas at bilis bilang fighter.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, inaasahang magiging maatikabo ang ikalawang paghaharap nina Donaire at Inoue.
Magugunitang natalo si Donaire kay Inoue noong November 2019 via unanimous decision sa Saitama, Japan kahit pa nabasag ng the filipino flash ang kanang eye socket ng undefeated fighter sa kanilang laban.
Gayunman, aminado si Arum na magiging hadlang lang sa nilulutong bakbakan si World Boxing Organization Bantamweight Champion Johnriel Casimero.