Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na agad makararating ang tulong ng Pamahalaan sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Ramon Zagala, 24 oras ang ginagawa nilang operasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para sumaklolo at magbigay ayuda.
Bilang lead agency ng Search, Rescue at Retrival cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakalatag ang kanilang mga tauhan para sa malawakang pagtugon.
Nakastandby na rin ang lahat ng Air at Naval asset ng AFP para magbigay suporta sa pangangailangan ng National at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.
Nanawagan din si Zagala sa lahat na tumulong at gawin ang anumang makakayanan upang masaklolohan at matulungan ang mga nabiktima ng sakuna. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)