Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa mga kabataan na gawing online ang pamamasko.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat mag-ingat ang mga batang nasa edad dose pababa dahil hindi pa sila maaaring bakunahan kontra COVID-19.
Aniya, mas mabilis na mahawa ang mga hindi pa bakunado ngayong may banta ng Omicron COVID-19 variant sa bansa.
Samantala, hinikayat naman ni national vaccination operations center chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na mabuting ang mga magulang na lamang ang magpabakuna gayong hindi maaaring maturukan ang mga bata. —mula sa Airiam Sancho