Naitala ang ilang pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan dala ng bagyong Odette sa Davao City, Davao de Oro.
Ayon kay Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Alfredo baloran, gumuho ang lupa sa barangay Matina crossing kung saan dalawang bahay ang natabunan.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa tatlong pamilyang apektado ng nasabing insidente.
Samantala, nagkaroon rin ng minor landslide sa isang kalsada sa barangay Concepcion.—mula sa panulat ni Airiam Sancho