Nakatanggap ng sertipiko ang nasa 300 mga bata na isinilang na may sakit na Congenital Heart Defect (CHD) kung saan nakasaad rito na sasagutin ng proyektong ‘Save A Child’s Heart’ sa tulong ng Philippine Heart Center ang mga gastusin sa pagpapaopera.
Ayon kay deputy speaker at 1 Pacman Partylist representative Mikee Romero layunin ng naturang proyekto na mailigtas ang buhay ng mga bata at makapamuhay ang mga ito ng normal.
Matatandaang, nagsimula noong 2017 ang naturang proyekto kung saan nasa 1,250 nang bata ang naoperahan at nailigtas mula sa nasabing sakit sa puso.—mula sa ulat ni Tina Nolasco sa panulat ni Airiam Sancho