Plano ng pamahalaan na magsagawa ng Massive Vaccination Drive sa mga menor de edad.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, balak itong gawin ng gobyerno sa first kwarter ng susunod na taon.
Dagdag ni Galvez, ilalaan nila ang nasa 30 milyong doses ng moderna at Pfizer Covid-19 vaccine para sa isasagawang malawakang pagbabakuna sa mga kabataan.
Umaasa si Galvez na bago matapos ang taon o sa pagpasok ng unang bahagi ng 2022 ay mailabas na ang pag-aaral hinggil sa kaligtasan ng paggamit ng Pfizer Covid-19 vaccine sa edda na lima hanggang 11 taong gulang.
Samantala, sa oras aniya na mailabas ang clearance sa paggamit nito at hihintayin ng pamahalaan ang delivery ng karagdagang mga bakuna sa bansa.