Tinatayang nasa 20 bilyong pisong halaga ang napinsala ng bagyong Odette sa isla ng Siargao kung saan hindi bababa sa dalawang katao ang nasawi dahil dito.
Ayon kay Surigao Del Norte Governor Francisco “Lalo” Matugas, maraming mga kabahayan sa mga sikat na tourist spot ang nasira .
Habang nagpakita naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng aerial view ng Siargao Island kung saan maraming bahagi ng isla at agricultural field ang binaha.
Una nang sinabi ni Matugas, na malaki rin ang napinsala sa kanilang airport. —sa panulat ni Kim Gomez