Hindi na kailangang ibaba ang quarantine restriction sa bansa kung maibabalik na ang walongpung porsiyento sa mga establisyimento.
Ito ay ayon kay Department Of Trade And Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, sa panukalang bawasan ang required distancing sa mga establisyimento mula sa isang metro gagawin na lamang 0.75 metro.
Aniya, hindi na kailangan ibaba sa alert level 1 ang bansa dahil 80% na ang ipinatutupad sa mga establisyimento kung saan pre pandemic customers na ang bilang nito.
Matatandaang, inilagay ng gobyerno ang bansa sa ilalim ng alert level 2 hanggang December 15 kung saan may kumpirmadong dalawang kaso ng omicron variant.
Samantala, kumpiyansa si Lopez na sapat ang alert level 2 laban sa omicron variant.