Bumalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga lumikas na residente sa probinsiya ng Aklan.
Tinatayang nasa 80 pamilya sa kalibo ang nakabalik na sa kanilang mga tahanan, 26 naman sa Barangay Tambak, New Washington , at 200 residente sa Balete at Altavas.
Samantala, inihayag ni Brgy. Captain Lucille Macario ng Tambak, New Washington na naipamahagi na ang mga food packs sa mga residente ng lalawigan. —sa panulat ni Kim Gomez