Inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang “malaking pinsala” sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong Odette.
Ayon kay Acting DPWH Secretary Roger Mercado, inatasan ng DPWH ang mga tanggapan nito sa mga rehiyong apektado ni Odette na suriin ang pinsala sa kanilang mga lugar.
Napansin ng opisyal na hindi bababa sa 16 na mga kalsada at tulay ang isinara. Kalahati sa 16 ay mula sa CARAGA Region, at ang iba ay nasa Northern Mindanao, Central Visayas, at Eastern Visayas kung saan nag-landfall ang bagyong Odette.
Samantala, sinabi ni Mercado, nasa 100 milyong piso na pondo ang inilabas para sa mga operasyon ng DPWH sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at CARAGA. 30 milyon naman ang inilaan para sa CARAGA. —sa panulat ni Kim Gomez