Nahigitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang iba pang rehiyon sa usapin ng pagresolba sa krimen at paglilinis sa mga lansangan sa Metro Manila.
Ito’y makaraang itanghal ang NCRPO bilang pangalawa sa pinakamataas na Regional Police Office kung saan umangat ang crime solution efficiency nito sa 4.73 %.
Mula kasi sa 77.89% noong Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon ay humataw ito sa 82.62% sa kaparehong panahon ngayong 2021.
Nasungkit naman ng Region 11 ang unang puwesto habang pumangatlo ang Bangsamoro Autonomous Region.
Ayon kay NCRPO Director, Police Brig. General Vicente Danao Jr., nananatiling manageable ang crime situation sa Metro Manila.