Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Odette.
Ayon sa PAGASA, kaninang mag aala-1 ng hapon tuluyang lumabas ng bansa ang nasabing bagyo.
Sinabi ng PAGASA na tinahak muna ng bagyong Odette ang Kalayaan Islands sa Palawan bago tuluyang lumabas ng Pilipinas.