Umapela ang iba’t ibang transport group sa pamahalaan na ipagamit na sa mga provincial bus ang mga terminal sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa nagkakaisang samahan ng mga nangangasiwa ng panlalawigang bus sa Pilipinas Inc., at iba pang mga unyon ng transport workers dapat nang alisin ng IATF, DOTR at MMDA ang kautusan sa pagbabawal sa paggamit ng mga private terminal kasunod ng pagbubukas ng ekonomiya lalo na ngayong nasa ilalim pa rin ng alert level 2 status ang buong bansa hanggang sa December 31.
Layunin nitong matulungan ang libo-libong mga pasahero na hirap sa kanilang biyahe papasok sa trabaho at papauwi sa kanilang mga bahay.
Bukod pa dito, makatutulong din ito upang hindi na mawalan ng trabaho ang mahigit 50,000 manggagawa sa sektor ng transportasyon.—sa panulat ni Angelica Doctolero