Posibleng magdulot ng sakit sa puso ang pagkakaroon ng sirang ngipin.
Ayon sa mga eksperto, dalawang klaseng sakit sa puso ang pwedeng makuha kapag hindi nagsisipilyo.
Una, impeksyon sa balbula ng puso o infective endocarditis (en·dow·kaar·dai·tuhs) kung saan pinapasok ng bacteria ang balbula sa puso o heart valve.
Pangalawa, pagbabara sa ugat ng puso o coronary artery disease.. Puwede itong magdulot ng pananakit sa dibdib at heart attack.
Samantala para panatilihing malinis ang ngipin at bibig. Dapat na magsipilyo tatlong beses sa isang araw sa loob ng dalawang minuto. Gumamit ng tounge cleaner o panlinis ng dila at dental floss.
Dapat ding magpasuri sa dentista bawat anim na buwan upang malinis maigi ang ngipin. –Sa panulat ni Airiam Sancho