KINUMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa 181,500 families sa 2,209 barangays ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon sa NDRRMC, ang mga apektadong barangay ay mula sa Mimaropa, Regions 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao), 12 (Soccsksargen), 13 (Caraga), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Binuksan naman ang tinatayang 2,861 evacuation centers kung saan pansamantalang tumutuloy dito ang 107,816 families o katumbas ng 427,903 individuals habang ang iba pa ay nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.