Inihayag ni Dinagat Islands Public Information Office Chief Jeffrey Crisostomo na umabot na sa halos 100% ang kabuuang pinsalang naiwan ni Bagyong Odette sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng dalawang beses na paglandfall ng Bagyong Odette sa Dinagat Islands matapos tumama sa bisinidad ng Siargao Island.
Sa ngayon, hinhintay nalang ng mga residente sa lugar ang tulong mula sa pamahalaan kung saan, lubos na kailangan ang pagkain, tubig, gamot at damit matapos ang pagtama ng bagyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero