Umabot na sa labing pito ang bilang ng mga nasawi habang nasa 11 pa ang sugatan sa isang pagsabog sa Pakistan.
Matatandaang inihayag ng Bomb Disposal Squad na ang pagsabog ay sanhi ng pagtagas ng gas sa sewerage sa isang banko sa Sher Shah, Karachi sa nabanggit na bansa.
Ayon sa mga otoridad, posibleng kontra-terorismo ang sanhi ng insidente kung saan, patuloy pang iniimbestigahan kung sino ang responsable sa naganap na pagsabog. —sa panulat ni Angelica Doctolero