Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Masinloc, Zambales kahapon.
Ayon sa Philippine Institute OF Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong alas-2:27 ng hapon, na tinatayang siyam na kilometro sa timog-kanlurang bahagi ng bayan ng Masinloc, at may lalim na 29 kilometers.
Naitala ang intensities at instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Masinloc, Zambales
Intensity III – Iba, Zambales; Angeles City; Mabalacat City, Pampanga
Intensity II – Palauig, and Olongapo City, Zambales; Quezon City; Makati City; Malabon City; Mandaluyong City
Naramdaman ang intensity 2 sa Quezon City at Makati City.
Habang naitala naman ang instrumental intensity 2 sa Olongapo City, Zambales, at intensity I naman sa Marikina City; Plaridel, Bulacan; Guagua, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; Gapan City, Nueva Ecija.
Sinabi ng Phivolcs na wala namang pinsala at mga aftershock kasunod ng lindol.