Inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na asahan na ang internet traffic surge hanggang sa January 7, 2022.
Kaugnay nito, inabisuhan ng ntc ang mga telecommunication company na paigtingin ang kanilang paghahanda sakaling magkaroon ng emergency ngayong holiday season at tiyaking hindi magkakaroon ng malaking aberya sa kanilang mga serbisyo.
Inatasan rin ang mga telco at mga internet service provider na sundin ang itinakdang service performance standards sa lahat ng panahon.
Matatandaang hinimok ng Department of Health ang publiko na magsagawa na lamang ng pagtitipon sa online sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.