Nagpatupad ang pamahalaan ng 15 araw na price freeze sa presyo ng lpg at kerosene sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Odette.
Ayon sa Department of Energy, ito ay upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng mga produktong petrolyo sa mga apektadong lugar.
Una nang nanawagan ang DOE sa mga kumpanya ng langis na simulan ang pagbabantay sa presyo ng produktong petrolyo bilang paghahanda sa bagyo.
Kabilang sa mga lugar na inilagay sa state of calamity ang lalawigan ng Bohol, Butuan City, Cebu, Jose Panganiban sa Camarines Norte, at Negros Oriental.