Nanguna ang Central Visayas sa nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette
Batay iyan sa datos ng PNP Command Center nang makapagtala ito 208 na kabuuang bilang ng mga nasawi kung saan 129 dito ang sa Central Visayas
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Roderick Alba, 41 ang nasawi sa CARAGA, 24 sa Western Visayas, 7 sa Northern Mindanao, 6 sa Eastern Visayas at 1 sa Zamboanga Peninsula
Ilan sa mga ito ay nalunod, nabagsakan ng puno at debris gayundin ang pagkakabaon sa gumuhong lupa
Maliban sa mga nasawi, 52 ang naitala ng PNP na nawawala habang 239 na nasaktan dahil sa Bagyo —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)