Tumaas pa ang presyo ng baboy at gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Sangandaan Market sa Caloocan City, umabot na sa P400 pesos ang kada kilo ng liempo habang nasa P360 naman ang kada kilo ng kasim at pigue.
Sa Balintawak market naman, tumaas ang presyo ng gulay kung saan ang sibuyas ay umabot na sa P170 ang kada kilo at inaasahang tataas pa sa P200 sa susunod na araw.
Asahan rin ang taas-presyo ng ilang gulay gaya ng talong, ampalaya at siling pangsigang.
Habang bumaba naman ng P10 hanggang P20 ang kada kilo ng manok kung saan dati ay nasa P170 ngayon ay nasa P150 hanggang P155 ang kada kilo.