Nagsagawa ng relief operations ang tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa mga lugar ng Leyte, Butuan, Bohol at Cebu na naapektuhan ng bagyong Odette.
Kasabay nito, nagtulong-tulong ang mga volunteer upang mag-repack ng mga bigas, canned goods, kape at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga residente.
Nitong linggo, personal na inihatid ni Marcos ang mga relief goods sa provincial capitol ng Maasin city sa Southern Leyte na tinanggap nina Governor Damian Mercado at House Majority Leader Martin Romualdez.
Maliban dito, binisita ng BBM-Sara Uniteam ang Butuan City na tinatayang nasa 43 barangay o aabot sa mahigit 7,000 pamilya ang nasalanta rin ng nasabing kalamidad.
Bukod dito, namahagi rin ang nasabing tandem ng tulong sa Bohol at Cebu.
Una nang pinasalamatan ni Marcos ang mga donor at volunteer na agad tumugon sa kaniyang panawagan gayundin sa mga kooperatiba mula luzon at mindanao na nagpadala ng mga linemen at mga gamit upang maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar.