Aabot sa mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang ipadadala sa mga rehiyong apektado ng Bagyong Odette bilang paghahanda sa ikalawang round ng nationwide vaccination drive.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 medical consultant Doctor Maria Paz Corrales. Ang mahigit 663,400 doses ng AztraZeneca vaccine at mahigit 500,000 doses ng bakunang Moderna na dumating sa NAIA terminal 3 kagabi ay ilalan sa mga nasabing apektado ng bagyo.
Matatandaang sinuspinde ang ikalawang bugso ng bayanihan bakunahan sa region 4-B, 5, Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Odette. —sa panulat ni Airiam Sancho