Nasa mahigit 500 indibidwal ang nananatiling stranded sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), stranded ang nasa higit 500 pasahero, na driver at cargo helper sa pantalan ng Northeastern Mindanao, Eastern Visayas at Central Visayas.
Habang nananatili pa ring stranded ang higit 300 na rolling cargo at tatlong iba pang vessels.
Samantala, nakasilong pa rin ang nasa 57 vessel at 37 motorbanca sa ibang pantalan na hindi naman apektado ng bagyo.
Patuloy namang binabantayan ng PCG ang lagay ng panahon sa ibang pantalan kung saan bumiyahe ang ilang kababayan pauwi sa kanilang mga probinsya.