Aabot sa 15,000 individuals ang kailangan ng Pilipinas upang makibahagi sa solidarity trial na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) sa pagsusuri ng dalawang uri ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Sinabi ni D.O.S.T. – Philippine Council for Health Research and Development Executive Director, Dr. Jaime Montoya na magsasagawa ng clinical trials dahil hindi pa nakagagawa ng “ideal vaccine”.
Bagaman epektibo ang mga kasalukuyang bakuna, mayroon pa rin anya itong mga kondisyon kaya’t hinahanap ng mga eksperto ang mga bakunang epektibo pero mas kaunti ang hinihinging kondisyon.
Kabilang sa mga kondisyon ay makikita sa mrna vaccines tulad ng Pfizer na kailangang itago sa temperaturang negative 70 degrees celsius.
Humahanap na rin sila ng mga bakuna na mas angkop sa partikular na grupo gaya ng senior citizens, menor de edad at mga indibidwal na may comorbidities.