Nagtalaga na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng mga charging at wifi station sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette sa Cebu.
Ito’y upang makatulong sa komunikasyon ng mga pamilya sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.
16 na charging at WIFI stations ang inilagay ng D.I.C.T. sa SM seaside; SM City Cebu; SM City Consolacion; Starmall; Ayala Center; Century Plaza Hotel; Sto. Niño Church exit; City o Municipal Halls;
Central Bloc; PLDT at Smart Office sa Mabolo; Super Metro Colon; Robinsons Galleria; UV Main; Sampaguita Suites; University of San Carlos Main campus at Downtown maging sa Metrobank Plaza Fuente.
Para ma-control ang power consumption at maiwasan ang panganib, maaari lamang gamitin ang power charging stations mula alas otso ng gabi hanggang ala singko ng hapon habang ang libreng WIFI ay mula alas otso ng umaga hanggang alas nwebe ng gabi.
Ipinaalala rin ng kagawaran sa mga gagamit na magdala ng sariling chargers at cords at sumunod sa “One Person per One Mobile Phone Only” policy upang magbigay-daan sa iba pang gagamit.