Nasawi ang mag-iina sa bayan ng Ubay, sa Bohol matapos gumuho ang bodega na kanilang sinulungan sa kasagsagan ng bagyong Odette.
Batay sa kuwento ng Padre de pamilya, nagpasya sila na lumipat sa katabing bodega sa pag-aakalang kakayanin nito ang hagupit ng bagyo matapos mawasak ang kanilang bahay na nasa bukid.
Kinilala ang mga biktima na si Tarcila Ramos, at dalawa pa nitong anak na babae habang sugatan naman ang asawa nito at dalawa pa nilang anak.
Ayon kay Bohol Governor Arthur Yap, nasa 80 na ang nasawi sa lalawigan, 13 ang nawawala at 78 ang sugatan dahil sa nagdaang bagyo. —sa panulat ni Mara Valle