Naibalik na ang power supply sa ilang lugar sa visayas, apat na araw matapos hagupitin ng bagyong odette.
Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson, Atty. Cynthia Alabanza, kabilang sa mga na-restore ang power supply sa Cebu, Samar at Leyte.
Gayunman, aminado si Alabanza na marami pa ring lugar ang walang kuryente sa visayas at Northern Mindanao dahil sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyo sa mga power transmission line.
Target anya nilang maibalik ang supply ng kuryente bago mag-pasko depende sa sitwasyon kaya’t umaapela sila ng pang-unawa sa publiko lalo’t naapektuhan din ng kalamidad ang NGCP.