Mistulang burado na sa mapa ang halos lahat ng bahay sa Dinagat Islands makaraang hambalusin ng bagyong Odette.
Ganito inilarawan ni Jeff Crisostomo, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ang epekto ng bagyo sa kanilang lalawigan.
Bukod anya sa pagkain at tubig ngayong magpa-pasko, kailangan din ng kanilang mga kababayan ang mga hygiene kits at maibalik ang supply ng kuryente at linya ng komunikasyon.
Nagpapasaklolo rin si Crisostomo sa national government upang maibalik sa lalong madaling panahon ang mga nawasak na bahay ng mga taga-dinagat.