Nakarating na ang patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) na may dalang relief supplies para sa Central Visayas.
Ayon sa PCG, ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) ay naglalaman ng 270 na sako ng bigas, 37 piraso na tarpaulin, 4 na drum ng gasolina, 4 na solar sets, 2 generator sets at kahun-kahong mga delata at noodles
Base sa datos ng PCG sila ay nakapag rescue ng 1,032 na mamamayan sa kabuuan at nakapagpalikas ng tinatayang nasa 12,000 na indibidwal sa Northeastern Mindanao, Northern Mindanao, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, at Palawan.
Ipinahayag na rin ang mga otoridad na ligtas naman ang lahat ng mga International tourists sa Siargao Island na naipit sa kasagsagan ng bagyong Odette. —sa panulat ni Mara Valle