Umapela ng tulong ang mahigit 500 mga Badjao sa Surigao City matapos mawasak ang kanilang mga bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.
Sa ngayon kasi ay sa tabing-kalsada sila nananatili kung saan nagtayo sila ng pansamantalang tirahan gamit ang mga kahoy mula sa nawasak nilang tirahan.
Gayunman, nangangamba ang ilan sa kanila dahil baka madisgrasya ang mga bata lalo kung magtatagal sila sa tabing-kalsada.
Bukod dito ay hirap rin sila sa pagkain kaya’t nanawagan ang mga ito ng mga donasyon partikular na ng pagkain at tubig.
Nasa 537 indibidwal o 168 pamilyang Badjao ang naapektuhan ng kalamidad at wala namang naitalang nasawi dahil maaga silang sumunod sa paglilikas.