Nasabat sa limang drug suspects ang aabot sa P1M halaga ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Antipolo City.
Kinilala ang mga suspek Jason Dalumpines, 21-anyos, pang-9 sa high-value individuals sa National Capital Region, habang ang ibang suspek naman ay sina Cedrick Juanillas, 21-anyos; Joshua Gracilla, 22-anyos; Marco Beatriz, 21-anyos; at Kristina Reblora, 21-anyos.
Kasalukuyang nakapiit sa Marikina City Police Station Custodial Facility ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle