Nagpaalala sa mga employers ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa nalalapit na araw ng Pasko at Rizal Day.
Ayon sa DOLE, dapat na mabayaran ng tamang pasahod ng mga kumpaniya ang kanilang mga empleyado sa holiday.
Base sa Labor Advisory No. 23, series of 2021 ng DOLE, nakasaad dapat ay mabayaran ng doble o equivalent sa 200% ang magiging sahod sa unang walong oras.
Sakaling namang hindi magtrabaho ang kanilang empleyado sa mismong holiday ay dapat din itong mabayaran ng 100% ng sahod.
Sa mga mag-oovertime naman sa kanilang trabaho ay dapat madagdagan ng karagdagang tatlumpung porsyento kada oras sa nasabing araw.
Kung ang isang empleyado naman ay nagtrabaho sa regular holiday sa araw ng kaniyang day off, dapat itong bayaran ng karagdagang 30% ng pangunahing sahod na 200% . —sa panulat ni Angelica Doctolero
Ayon sa DOLE, dapat na sundin ng mga kumpanya at establisyimento sa pribadong sektor ang tamang pagbabayad ng sahod sa kanilang mga manggagawa ngayong buwan upang kanilang maramdaman ang tunay na diwa ng pasko sa gitna ng pandemiya.