Inilampaso ng Charlotte Hornets ang kalabang Chicago Bulls sa kanilang pagtutuos kaninang umaga sa iskor na 130-105.
Ito ang unang panalo ng Hornets sa season na ito ng NBA.
Umalagwa ng husto para sa koponan ng Hornets si Jeremy Lamb na kumana ng 20 puntos na sinegundahan naman ni Jeremy Lin na may ambag na 15 puntos.
Bukod sa mga 3- point shots na binitiwan ni Lin, malaking bagay para makalayo nang husto ang Hornets sa Bulls ay ang mga tres na pinakawalan ni Spencer Hawes.
By Ralph Obina