Inaalam pa ng National Vaccination Operations Center (NVOC) kung totoo ang ulat na may nasayang na 24,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Region 6 dahil sa bagyong Odette.
Paliwanag ni NVOC Chairperson & Health Usec. Myrna Cabotaje, posibleng hindi kasi napanatili ang kinakailangang temperatura ng mga bakuna dahil sa kawalan ng kuryente o kaya ay hindi gumana ang emergency generators.
Ang naturang vaccine wastage ay hindi kabilang sa napaulat na nasayang na 100 vials ng Pfizer sa Iloilo province.
Kasabay nito, sinabi ni Cabotaje na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga LGU upang maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna kontra COVID-19.