Isinilang na ng aktres na si Angelika Dela Cruz ang ikalawa nilang anak ng kanyang businessman husband na si Orion Caserea.
Nanganak si Angelika via ceasarian section, 7:30 kagabi sa UERM Memorial Hospital sa Quezon City.
Lalaki ulit ang second baby ng aktres na may timbang na 7.12 lbs.
Napagdesisyunan din nilang mag-asawa na isunod ang pangalan nito kay Orion.
Magiging Orion Casarea II ang buong pangalan ng kanilang ikalawang anak at O2 naman ang palayaw.
By Krista de Dios