Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco na bilisan ang kanilang maintenance sa gitna ng inaasahang pagtaas ng internet traffic ngayong holiday season.
Ayon sa NTC, inaasahan na nilang darami ang virtual christmas parties dahil sa banta ng Omicron COVID-19 cases na na-detect sa bansa.
Simula December 17, 2021 hanggang January 7, 2022 ay nararanasan na ang disruption at downtime ng internet service.
Ipinunto ng komisyon na dapat tiyakin ng mga telco at service provider ang maayos at mabilis na internet at broadband connection upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga negosyo at disaster recovery protocols, 24 oras.