Muling ipinaalala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa private companies at government agencies na hindi maaaring tanggihan ang Philippine Identification o National ID sa lahat ng public at private transactions.
Ito ang binigyang-diin ng PSA sa gitna ng mga sumbong na mayroon pa ring hindi kumikilala sa Phil-ID bilang proof of identity.
Ayon sa PSA, maaaring gamitin sa kahit anong legal transactions ang nasabing ID batay sa memorandum mula sa Philippine Identification System.
Alinsunod sa kautusan, ang mga institusyon o establisyimento na hindi kikilala sa nasabing ID ay paparusahan o pagmumultahin ng hanggang kalahating milyong piso.