Hiniling ni Health Secretary Francisco Duque, III sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagdaragdag ng quick response funds para sa mga rehiyon na nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay Duque, sa oras na maubos ang pondo ay dapat agaran itong dagdagan ng DBM, lalo para sa mga labis na naapektuhan ng kalamidad.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Visayas at Mindanao para sa mabilis na pagbibigay ng kailangang tulong at health services.